Sara sa HS studes: ‘Di kailangan ng pag-ibig para maging masaya

Sara sa HS studes: ‘Di kailangan ng pag-ibig para maging masaya

December 8, 2022 @ 9:15 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pinayuhan ni Vice President Sara Duterte ang mga high schoolers sa kanyang dinaluhang romance opera rehearsal tungkol sa ‘lovelife’.

Sa general rehearsal ng Italian production ng “Turandot” sa Cultural Center of the Philippines, sinabi ni Sara na hindi naman kailangan ang ‘romantic love’ para maging masaya ang isang tao.

Ang tagubilin niya sa mga ito ay huwag saktan ang sarili dahil lamang sa pag-ibig.

“Laging sinasabi ng mga matatanda that there are other fishes in the ocean. ‘Yan ang laging sinasabi nila. Pero ang sasabihin ko sa inyo, hindi niyo kailangan ng pag-ibig para maging masaya sa buhay niyo,” ayon kay Sara.

Sinabihan ni Sara ang mga estudyante na maaari silang maging masaya at makapagtapos sa pag-aaral kahit walang “lovelife.”

“Lalong-lalo na, hindi niyo kailangan magpakamatay dahil sa kayo ay hindi nagustuhan nung inyong mga napupusuan,” ayon kay Sara.

Samantala, ang Giacomo Puccini’s Turandot ay isang kuwento ng pag-ibig, sinabi ni Sara na maraming estudyante ang makaka-relate sa kuwentong ito dahil karamihan sa mga ito ay nagsisimula pa lamang puma-pag-ibig. Kris Jose