Sara sa pagpalit kay BBM ‘pag nadiskwalipika: Walang ganun

Sara sa pagpalit kay BBM ‘pag nadiskwalipika: Walang ganun

February 7, 2022 @ 10:34 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Itinanggi ni Davao City Mayor at vice-presidential candidate Sara Duterte-Carpio nitong Linggo na may plano siyang palitan bilang pangulo si presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sakaling ma-diskwalipika ito sa Halalan 2022.

Sinabi ni Duterte-Carpio, na kasalukuyang tumatakbo bilang bise-presidente ni Marcos Jr., na hindi niya kanais-nais ang ideya dahil pareho silang hindi pa nanalo sa halalan.

“There is no discussion between me and Presidential candidate Bongbong Marcos about the disqualification charges against him. Personally, I find talks about me ‘possibly replacing ‘ a President Bongbong Marcos exceptionally unpleasant as — in reality — both of us are yet to win the elections. It is putting the cart before the horse,” aniya sa isang pahayag.

“Hindi ko ini-entertain ang mga iniisip ng posibleng kapalit dahil hindi ko rin inaabangan ang isang scenario ng disqualified BBM — bago o pagkatapos ng halalan,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ni Duterte-Carpio na naniniwala siyang hindi madi-disqualify si Marcos Jr. dahil walang basehan ang mga kaso laban sa kanya.

“There is no discussion between me and Presidential candidate Bongbong Marcos about the disqualification charges against him. Personally, I find talks about me ‘possibly replacing ‘ a President Bongbong Marcos exceptionally unpleasant as — in reality — both of us are yet to win the elections. It is putting the cart before the horse,” giit pa aniya.

Hindi pa inilalabas ng Commission on Elections ang kanilang desisyon sa mga kaso ng disqualification, na binanggit ang kabiguan ni Marcos Jr. na maghain ng income tax returns at magbayad ng kaukulang kakulangan. RNT