Sara sa simbahan: Mga kabataan iiwas sa droga, karahasan, rebelyon

Sara sa simbahan: Mga kabataan iiwas sa droga, karahasan, rebelyon

October 27, 2022 @ 6:56 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Iginiit ni Vice President Sara Duterte na malaki ang papel ng simbahan sa paghubog ng kinabukasan ng mga tao, partikular na ang isipan ng mga kabataan.

Kaya naman hinihikayat ni Duterte ang simbahan na tumulong na gabayan ang kabataang Pilipino sa pagbuo ng bansa, at malayo sa iligal na droga, marahas na ekstremismo, at rebelyon

“Our youth are vulnerable and easily impressionable and I call upon the church to help us guide our young Filipinos into the right path,” ayon pa kay Duterte sa kanyang talumpati sa Jesus is Lord Pastor’s Congress.

“The lures of substance abuse, violent extremism, and rebellion keep pulling away our country’s future. I believe this is where the church can support nation-building,” giit pa niya.

Giit pa ng bise presidente na mahalaga ang papel ng simbahan sa komunidad, lalo na ang mental at psychological health ng mga kabataan ngayon ay mistulang hino-hostage na ng social media influences, peer at social pressure.

“Without professional help and spiritual guidance, some have been driven to self-harm and harm others.”

Sinabi ni Duterte na ang gobyerno ay katuwang ng simbahan sa mga adbokasiya at ministeryo para sa mamamayang Pilipino, partikular sa pagbuo ng bansa. RNT