Sara: Transport strike, communist-inspired; alternative learning mode ikakasa

Sara: Transport strike, communist-inspired; alternative learning mode ikakasa

March 5, 2023 @ 2:20 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – SINABI ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na dapat na panatilihin ang alternatibong learning modes, kapuwa “in person” at online at ipatupad sa panahon ng transport strike na makapipinsala sa “learning recovery” agenda ng Department of Education (DepEd).

Tinawagan naman ng pansin ni Duterte ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) Party-list group sa paghikayat sa regional at division offices ng DepEd na ikansela ang physical classes sa mga lugar na maaapektuhan ng public transportation dahil sa jeepney modernization program ng gobyerno.

“Learning recovery is foremost on the agenda of the Department of Education today. It does not include the pointless weeklong transport strike supported by ACT,” ayon kay Duterte sa isang kalatas.

“I maintain that during this communist-inspired weeklong strike, both in-person and alternative delivery modes of learning shall be implemented, whichever is convenient to the learners,” dagdag na wika nito.

Binigyang diin din ni Duterte na ang transport strike ay isang “painful interference” at sang “learning disruption” habang ang bansa ay gumagawa ng paraan para lutaasin ang problema na palaging gumagambala sa sektor ng edukasyon.

Idinagdag pa nito na “it would only exacerbate the learning hardships of our students.”

“ACT supporting this transport strike, and shamelessly harping twisted justifications for it, only betrays its true colors — that it is a group that does not really serve the interest of students and teachers,” ang wika ni Duterte.

“But ACT couldn’t care less if our efforts are hampered or if we fail because — as a lover of the useless ideologies espoused by the New People’s Army (NPA), the Communist Party of the Philippines (CPP), and the National Democratic Front of the Philippines (NDFP) — ACT’s dream is for our children to remain uneducated and poor,” litaniya ni Duterte, isa ring DepEd head.

Sa halip, hinikayat nito ang party-list group na “show its sincerity” sa mga estudyante, mga guro, at sa buong Philippine education system sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa local government units at iba pang ahensiya ng pamahalaan “to ensure the convenience of learners during the transport strike instead of supporting it.”

Samantala, magsisimula naman ang tigil-pasada bukas, Marso 6, araw ng Lunes dahilan para maglunsad naman ng “Libreng Sakay” ang lahat ng police districts at National Capital Region Police Office (NCRPO)-Regional Mobile Force Battalion (RMFB) para maserbisyuhan ang mga commuters na maapektuhan.