Sarah at Matteo, mag-oober da bakod sa GMA?

Sarah at Matteo, mag-oober da bakod sa GMA?

June 15, 2022 @ 10:00 AM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Very significant ang petsang July 30 para sa pamunuan ng GMA.

This July 30, ipagdiriwang ng Kapuso network ang kanilang 72nd anniversary.

Hindi siyempre mawawala ang en grandeng selebrasyon, sa Shangri- La The Fort lang naman ito.

As in every year, maraming magagandang network updates on its artists and shows ang kailangang abangan.

At isa na nga rito ang kalat na kalat nang tsika na nakuha ng GMA ang The Voice Kids na dati’y umeere sa ABS- CBN.

Pero hindi ito ang catch.

Balitang isa sa mga tatayong judge tulad ng kanyang nakasanayan ay si Sarah Geronimo.

‘Di pa malinaw kung judge o host ang partisipasyon ni Sarah.

Pero sabi nga, where the wife goes ay doon din ang destinasyon ng husband.

Yes, package deal lang ang peg dahil with Sarah ay kasama nitong mag-oober da bakod si Matteo Guidicelli.

Kelan lang ay nabalitang may ipinitch na program si Matteo pero na-reject ito.

Balita ring nataasan ang GMA sa hinihingi niyang talent fee.

Duda ng marami, nag-quote daw ng mataas na presyp si Matteo dahil kasama roon ang kanyang misis.

With Sarah on The Voice Kids, paano na ang dating co-judges na sina Lea Salonga at Bamboo?

Lilipat din sa GMA? Ronnie Carrasco III