Sarah G, babalik sa ASAP; paglipat sa GMA, fake news!

Sarah G, babalik sa ASAP; paglipat sa GMA, fake news!

June 22, 2022 @ 12:57 PM 6 days ago


Manila, Philippines – Inanunsiyo ni Sarah Geronimo ang kanyang pagbabalik sa “ASAP Natin ‘To” ngayong July, 2022. Ito ang sorpresa ng singer-actress papagkatapos ng halos dalawang taong pamamahinga sa showbiz para tutukan ang pagiging Mrs. Guidecelli.

Ang huling pagtuntong  ni Sarah sa stage ng ASAP ay noon pang nakaraang November 2020.

Ang balitang pagbabalik ng Popstar Royalty sa “ASAP…” ay bunsod ng kumakalat na tsismis na siya ay  lilipat na sa Kapuso network.

Umugong ang tsismis na lilipat ng network ang singer nang may kumalat na artcard sa ilang Kapuso pages na sinabi raw niyang susubukan din niyang magtrabaho sa GMA, kasabay na rin ng paglilipat ng prangkisa ng “The Voice”.

FYI, si Sarah ay isa sa mga original na judges ng “The Voice” kasama nina Ms. Lea Salonga, Apl De Ap (ng Black Eyed Peas) at Bamboo Manalac.

Mas tumindi pa ang espekulasyong lalayasan na ni Sarah ang ABS-CBN pagkatapos ipalabas sa GMA 7 ang “Tala: The Film Concert” last year. Kasunod din ito ng pagpapalabas ng kanyang mga blockbuster hits sa  GMA gaya ng “Miss Granny”, at “Unforgettable”.

Sa balitang paglipat ni Sarah sa Kapuso, ilang beses ring itinanggi ng pamunuan ng Viva Artist Management (ang humahawak ng career ni Sarah) ang issue at sinabi na exclusive ang contract ng kanilang talent ABS-CBN.

Ayon din sa Viva, malamang daw ay magbabalik-pelikula si Sarah ngayong taon. May pahaging pa nga na baka makasama ni Sarah sa movie ang iba pang big stars ng Viva gaya ng It’s Showtime host na sina Anne Curtis at Vice Ganda. Ador Saluta