Sarah G, gumaya kay Anne Curtis!

Sarah G, gumaya kay Anne Curtis!

July 2, 2022 @ 3:19 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Fake news ang balitang lilipat na sa Kapuso network ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo. Babalik ito sa ASAP Natin ‘To kung saan isa ito sa main hosts.

Gayunpaman, tulad daw ni Anne Curtis na isang Viva artist ay hindi rin regular ang pagbabalik ni Sarah sa telebisyon.

Once a month daw muna ito mapapanood sa nasabing Sunday musical variety show samantalang si Anne ay hindi rin araw-araw ang partisipasyon sa “It’s Showtime.”

Tila mas nae-eenjoy ni Sarah ngayon ang pagiging abala sa kanyang kumpanyang G Studios kung saan siya ang president na nakatakdang mag-full blast by 2023. Archie Liao