Sarah G, hindi nakadalo sa binyag ni Baby Sylvio, nagpaulan ng regalo! 

Sarah G, hindi nakadalo sa binyag ni Baby Sylvio, nagpaulan ng regalo! 

July 6, 2022 @ 6:52 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Ikinalula ni Angeline Quinto ang sandamakmak na regalong ipinadala ni Sarah Geronimo para sa kanyang anak na si Baby Sylvio.

Isa kasi ang Popstar Royalty sa mga ninang ni Baby Sylvio.

Sa ‘di nito pagsipot sa nakaraang binyag, bumawi naman si Sarah sa dami ng mga regalo nito

In her vlog, makikitang ina-unbox ni Angeline ang mga regalo mula kina Vice Ganda, Dra. Vicky Belo at iba pang godparents.

May bahagi rin na binubutingting ng singer ang regalong galing kay Sarah.

Halatang nagulat si Angeline sa dami, kulang na lang ay bilhin ni Sarah ang lahat ng paninda sa infant section.

Pabiro pang nainggit si Angeline na umurot ng, “SG, baka naman…”

But Angeline took to her vlog and expressed her malaking pasasalamat kay Sarah na hindi raw nakakalimot kahit kailan.

Matatandaang December 2021 noong ianunsyo ni Angeline ang kanyang pagbubuntis.

Isang non-showbiz guy named Nonver Daquina ang ama ng bata. Ronnie Carrasco III