Sarah G, magbabalik sa music scene!

Sarah G, magbabalik sa music scene!

October 7, 2022 @ 1:57 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Magbabalik na sa music scene ang Pop Royalty Superstar na si Sarah Geronimo. Ayon ‘yan sa ipinasilip na teaser sa kanyang social media.

Ayon pa sa teaser, “Kailan makasama muli? Sarah G is back!”

Sa teaser ay may imahe si Sarah bagama’t kalahati lang ang mukhang ipinakita.

Kita rin sa poster ang logo ng Viva Records, ang long-time record label ng ASAP Natin ‘To singer.

Huling studio album ni Sarah sa Viva Records ang “This 15 Me,” na ini-release noong taong 2018, kasabay ng kanyang ika-15th  anniversary sa showbiz.

Ayon pa sa source, it remains to be seen whether Sarah’s music comeback  pertains to a new album, a single or a show.

Tiyak na maraming Popsters ang natutuwa at nag-aabang na sa kanyang pagbabalik-limelight, pagkatapos ng dalawang taon nitong pamamahinga bunsod na rin sa pagiging misis ni Matteo Guidecelli.

Matatandaang  nag-perform si Sarah sa ASAP Natin ‘To last August 2022  na binansagang “Sarah G Special”, bilang kanyang pagbabalik-telebisyon. Isa itong taped performances ni Sarah na eksklusibo lamang sa ABS-CBN. Ador Saluta