Sarah G, mataas ang TF, ligwak sa The Voice Kids!

Sarah G, mataas ang TF, ligwak sa The Voice Kids!

December 23, 2022 @ 4:30 PM 1 month ago


Manila, Philippines- Malapit these days si Mommy Divine sa indulto.

Si Mommy Divine din ang nagsisilbing manager ng anak na si Sarah Geronimo.

Of late nga’y marami umanong paglabag ang celebrity mother sa karapatan ng kanyang mga empleyado.

Pormal na ngang isinampa ng dating tauhang driver sa National Labor Regulation Commission ang reklamo kay Mommy Divine.

Sa ngayon, wala pa itong reaksyon sa mga paratang laban sa kanya.

Sinisilip naman ngayon kung bakit hindi na kabilang ang Popstar Royalty sa mga uupong hurado sa The Voice Kids.

Tanging si Bamboo lang ang na-retain sa mga judges.

Ang pumalit kina Sarah at Lea Salonga ay sina KZ Tandingan at Martin Nievera.

Diumano, may kinalaman ang mataas na hinihinging talent fee ng kampo ni Sarah ang dahilan kung bakit ligwak ito bilang hurado.

Si Mommy Divine daw ang nagpapasya pagdating sa career ng anak.

Kaso, nagkataong hindi sinunggaban ng ABS-CBN ang asking price base sa demand ni Mommy Divine.

Marami ang nagsasabi na makakaapekto sa imahe ni Sarah ang mga umano’y kasiraan ng ina nito pagdating sa pakikitungo at pagtrato sa kanyang mga empeyado.

“Unfortunately, it’s the daughter who’s at the receiving end,” ayon sa isang netizen. Ronnie Carrasco III