Sarah G., oldies ang getup sa bagong music video  

Sarah G., oldies ang getup sa bagong music video  

July 4, 2018 @ 1:58 PM 4 years ago


#Throwback Thursday ang hatid ng bagong music video ng pop star princess na si Sarah Geronimo.

Sa kalalabas pa lang nitong music video na may retro theme, makikitang old-school ang mga get-up ng singer sa rendition nito ng ‘70s hit na “Kiss Me, Kiss Me” na pinasikat ng dating child star na si Efren Montes at isinulat ni Jessie Saclo.

Ang bagong music video ay inilabas para sa kanya ring balik big screen movie na ‘Miss Granny’.

Cute na cute naman ang fans sa bagong music video ng singer at aktres na sinabing tila throwback ito ng panahon ng mga bituin na sina Nora Aunor at Vilma Santos.

Pumalo naman agad sa halos 7K ang likes ng music video sa Youtube at nasa 104K naman ang views nito sa loob lang ng 24 oras. (Remate News Team)