Sarah Lahbati, ibinuyangyang ang stretch-mark!

Sarah Lahbati, ibinuyangyang ang stretch-mark!

January 29, 2022 @ 12:05 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Aminado si Sarah Lahbati na sinubukan niya talagang itago ang body flaws niya, stretch-marks to be specific.

Sa Instagram post ng aktres, hindi lang simpleng post kundi parang mensahe na rin sa kababaihan ang caption nito sa photos niya in a bikini.

“I’m tired of hiding my stretch-marks. I’m not perfect. No one is. What’s funny is it took me a while to accept that. My biggest insecurity,” saad ni Sarah sa IG caption.

Isa sa hinahangaan nila sa aktres ay ang pagiging sexy at flawless nito kahit na may dalawang anak na kaya naman marami ang nagulat sa ibinahagi ni Sarah sa post.

Gayunpaman, bumuhos naman ang suporta mula sa kababaihan maging sa kapwa celebrities nito.

“Well, Sarah is really stunning with or without stretch-marks at parte ng katawan nang isang babae ‘yan, patunay ng paghihirap at sacrifices natin to give life to the world,” isa sa comments ng netizens na marami ang sumang-ayon.

“Took me some time to realize that my stretch-marks are my best tattoo. A reminder that I am a strong and resilient woman who’s been through a lot but most importantly, I’ve given birth to my two dearest sons, Zion and Kai. My Angels.

“Cheers to all of you, women!” pagtatapos ng caption ni Sarah. Paula Jonabelle Ignacio