Sarah, nag-Paskong dedma kay Mommy Divine!

Sarah, nag-Paskong dedma kay Mommy Divine!

December 26, 2022 @ 9:17 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Pinag-uusapan pa rin hanggang ngayon ang makahulugang pahayag ni Sarah Geronimo sa pagbabalik niya onstage sa ASAP.

“Marami kasi in the past ang nami-miss po natin. The simplicity of life, simple joys ng buhay na parang nawawala minsan dahil sa ingay ng social media at ng technology,” aniya.

Ito ay tinuran niya habang ipino-promote ang kanyang bagong awitin.

Dagdag pa niya, sa kabila raw ng melancholic vibe ng kanyang kanta, layunin din daw niyang makapagbigay ng aliw.

“Of course, sabi ko, gusto ko itago yung pagkalungkot ko sa pagka-upbeat ng kanta,” paliwanag niya.

“So siyempre gusto ko pa rin sumayaw kahit na malungkot ako. So doon po nabuo yung ‘Dati-Dati,'” sey niya.

Dahil dito, may mga nag-speculate na hanggang ngayon daw ay dinededma pa rin siya ng kanyang Mommy Divine dahil sa ginawa nitong pagpapakasal sa mister na si Matteo Guidicelli.

Naging usap-usapan din kasi noon ang paghingi niya ng apology sa kanyang parents na sina Mommy Divine at Daddy Delfin na later on ay binura rin nito sa kanyang IG post.

May laman din ang naging mensahe niya nang matanong kaugnay ng kanyang wish sa Pasko.

“Alam na ni Lord ‘yun,” ani Sarah.

“‘Yung makasama ko yung mga mahal ko sa buhay, habang ako’y nabubuhay,” pahabol niya.

Dahil dito, inuurot ng kibitzers na hanggang ngayon daw ay dinededma pa rin ang Popstar Royalty ni Mommy Divine kaya nag-Pasko itong di pa rin kapiling ang mga magulang. Archie Liao