Sarangani, Davao Occidental niyanig ng M-5.1 lindol

Sarangani, Davao Occidental niyanig ng M-5.1 lindol

October 23, 2022 @ 12:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Tumama ang magnitude 5.1 lindol sa Balut Island sa Sarangani, Davao Occidental nitong Linggo ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Ang tectonic earthquake ay may lalim na 259 kilometers, at tumama kaninang alas-10:15 ng umaga.

Orihinal na naiulat ang magnitude of 5.6, bago ibaba ng Phivolcs sa 5.1.

Ang epicenter ay nasa 02.98°N, 128.65°E – 447 km S 53° E ng Balut Island.

Walang pinsala at inaasahang aftershocks, ayon sa ahensya. RNT/SA