Sarangani ginising ng magnitude 6.6 na lindol

Sarangani ginising ng magnitude 6.6 na lindol

February 24, 2023 @ 6:51 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Naitala ang magnitude 6.6 na lindol sa timog-silangan ng Sarangani Island, Davao Occidental, Biyernes ng madaling araw, sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Batay sa bulletin nito, sinabi ng PHIVOLCS na tectonic ang pinagmulan ng lindol, na nangyari sa labas ng pampang dakong 4:02 ng umaga, na may lalim na focus na 114 kilometro.

Intensity II ang naiulat sa Glan at Kiamba sa Sarangani province, at sa Tupi sa South Cotabato.

Samantala, Intensity I ang naramdaman sa Don Marcelino, Davao Occidental; Maitum at Malapatan sa lalawigan ng Sarangani; at Koronadal City at General Santos City sa South Cotabato.

Walang inaasahang aftershocks o pinsala mula sa lindol, ayon sa PHIVOLCS. RNT