Sarap Di Ba? hosts, nilampaso ang mga kalaban!

Sarap Di Ba? hosts, nilampaso ang mga kalaban!

April 20, 2022 @ 7:05 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Ayon sa naitalang viewership nitong April 9, malinaw na nilampaso ng Sarap Di Ba? ang tatlong kasabay nitong programa.

The Saturday morning show on GMA got a 3.1% rating kumpara sa tatlong show sa magkakaibang channel.

Narito ang mga shows na kinabog ng SDB vis-a-vis their ratings: Zinema sa Umaga (A2Z)=1.4%; NBA 2021-2022 Season (TV5)=1.3% at Family Weekend (Kapamilya Channel)=0.2.

Clearly, pagsama- samahin man ang nakuhang ratings ng tatlong shows ay kabog pa rin sila ng SDB.

Mula mismo sa mga viewers nito, ang edge daw ng SDB ay ang variety nito in terms of its segments.

Its strength lies in its celebrity guests na sumasabak sa mga fun games at featured guest na may recipe to share with the housewives.

Malaking tulong din daw na katuwang ng main host nitong si Carmina Villaroel ang isa sa mga kambal niyang anak, either Cassy or Mavy.

Patotoo nga ng isang viewer, “It’s nice to see them host a show which reflects their family bonding at home. Very relatable. With their guests, parang nag-imbita lang sila ng mga masayang kapitbahay sa tahanan nila!” Ronnie Carrasco III