Sarbey: Mas maraming Pinoy aprub sa tuloy-operasyon ng NTF-ELCAC

Sarbey: Mas maraming Pinoy aprub sa tuloy-operasyon ng NTF-ELCAC

July 8, 2022 @ 6:24 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Karamihan sa mga Pilipino ay sumuporta sa patuloy na operasyon ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa ilalim ng pagbabantay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ayon sa PAHAYAG 2022 Second Quarter Survey na inilathala ng PUBLiCUS Asia Inc. Biyernes.

Napag-alaman ng PUBLiCUS, sa survey nito mula Hunyo 16 hanggang 22, na humigit-kumulang 59 porsiyento ng 1,500 respondents ang “nag-aapruba o lubos na sumasang-ayon” sa pagpapatuloy ng NTF-ELCAC.

13 porsiyento lamang ang nagsabing sila ay “hindi aprub o lubos na hindi sumasang-ayon,” habang 31 porsiyento ay halo ang reaksyon sa usapin.

“Continuation of the NTF-ELCAC under the Marcos Jr. administration was supported by a comfortable majority of our respondents,” sabi ni PUBliCUS Executive Director Aureli Sinsuat sa isang pahayag.

Ang NTF-ELCAC, na itinatag sa bisa ng Executive Order 70 na nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2018, ay inaatasan na ituloy ang “whole-of-nation” approach para kontrahin ang komunistang insurhensya at makamit ang “inclusive and sustainable peace.”

Ang anti-insurgency task force ay pinamumunuan ng Pangulo at vice-chaired ng National Security Adviser (NSA).

Samantala, sinabi ni Sinsuat na ang pagtatalaga kay NSA Clarita Carlos sa NTF-ELCAC ay isang “game changer,” dahil sa kanyang paninindigan na pigilan ang sinasabing red-tagging ng NTF-ELCAC.

“Notably, NSA Carlos has publicly questioned the use of red-tagging as a means to combat the communist insurgency. In this context, it is clear that the appointment of Dr. Carlos as National Security Adviser is a game changer because the NTF-ELCAC will be much less likely to engage in red-tagging under her leadership,” ayon pa kay Sinsuat. RNT