Sardinas target sa taas-presyo ng manufacturers

Sardinas target sa taas-presyo ng manufacturers

October 9, 2022 @ 9:31 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Naghain ng hiwalay na petisyon ang mga manufacturers sa Department of Trade and Industry (DTI) upang payagan silang magtaas-presyo sa de-latang sardinas mula sa tatlo hanggang limang piso kada lata.

“The cost inputs are rising by about 18 percent. Most of the requests that have been filed at the DTI for an adjustment in prices is from about P3 to P5 per tin,” ani Francisco Buencamino, executive director ng Canned Sardines Association of the Philippines.

Ani Buencamino, ang inaprubahang price adjustment ng DTI noong Hulyo ay napakaliit lamang.

“We have been suffering because of the freezing of the prices since 2019. It’s been three years now,” pagdidiin nito.

“What do you think a businessman will do if the cost around him increases by 18 percent, we may be forced to do that or go out of the business or reduce our business. Those are the only options that are available,” dagdag pa niya.

Tiwala naman si Buencamino na tutugunan agad ng DTI ang hiling ng mga canned manufacturers.

Dagdag pa rito, nais rin umano ng grupo na alisin na ng DTI ang mga de-latang sardinas sa listahan ng basic commodities na sakop ng suggested retail price. RNT/JGC