Sarhento, 1 pa tiklo sa baril sa dilim

Sarhento, 1 pa tiklo sa baril sa dilim

November 6, 2022 @ 11:00 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Dinakip ang isang sarhento at kasamang lalaki nang ingusong armado ng baril sa dilim at kumaripas nang sitahin sa Caloocan City.

Haharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act sina Police Staff Sergeant Gideon G. Geronga Jr. y Geronilla alyas Jon-Jon, 44, nakatalaga sa Quezon City Police District-Station 16 (Pasong Putik), ng Barangay 176, Bagong Silang, Caloocan City, at; Ulrick Waldemar S. Abaca alyas Lek-Lek, 34, ng nasabi ring barangay.

Nagpapatrolya ang mga operatiba ng Sub-Station 15 ng Caloocan City Police Sation 4:00 a.m. ng Nobyembre 5 nang may magsumbong na namataan ang mga suspek na may dalang baril sa Phase 7A, Barangay 176, Bagong Silang, Caloocan City.

Dagling tinungo ng mga pulis ang itinurong lugar at nakitang nag-uusap ang mga suspek at pagkatapos ay ibinigay ni Geronga ang isang pistola kay Abaca.

Lumapit at nagpakilala na ang mga parak at inatasan ang mga suspek na huminto ngunit nagtatakbo ang mga ito ngunit matapos ang maikling habulan ay nahuli sa Abaca at nakuha sa kanya ang baril at napigilan din si Geronga.

Nakumpiska sa mga dinakip ang .45 caliber pistol, tatlongmagazine, 21 bala at Philippine National Police identification card ni Geronga.

Dinala ang dalawa sa Caloocan City Medical Center para sa physical examination at itinuloy sa Investigation and Detective Management Section ng pulisya para sa imbestigasyon at wastong disposisyon. Merly Iral