SARI-SARING PROBLEMA, SARI-SARING SOLUSYON

SARI-SARING PROBLEMA, SARI-SARING SOLUSYON

August 3, 2022 @ 5:18 PM 5 days ago


DIGMAAN sa Ukraine, sa pagnanais ng Russia na sakupin ang bansang ito, ang itinuturing na dahilan ng mga ekonomista kaya tumataas ang lahat ng bilihin lalo na sa mga produktong petrolyo.
Alam at nararanasan natin ito palagian, ngunit tayo’y nakakapagpatuloy dahil sa salawikaing “magtiis na mamaluktot habang maikli ang kumot.”

Nakagagawa tayo ng paraan sa sari-saring suliraning bumubungad sa ating harapan. Sari-saring solusyon din ang ating naiisipan para maipagpatuloy ang kabuhayan.

Ang pagtaas ng presyo ng lahat ng bilihin at paghina ng halaga ng ating piso ang nagtutulak sa atin na umisip ng paraan.

Halimbawa na lamang, ang sumisirit na presyo ng wheat na gamit sa paggawa ng pandesal at iba pang uri ng tinapay, isama na rin ang mga imported edible oil na sangkap nito.

Nagawa ng iba nating kababayang nagmamay-ari ng mga bakery na imbes taasan ang presyo ng pandesal ay pinaliit na lamang ito, upang makayanan pa ring bilhin tuwing mag-aalmusal o kaya’y mag-mimilindal.

Kahanga-hanga pa rin ang solusyong ito, dahil ang iniisip ng mga may bakery ay hindi kanilang mga sarili at ang pagkita. Inaalala pa rin nila ang mga naghihirap nilang mga kababayan.

Kababayan, na isinasawsaw lamang ang pandesal sa mainit na kape upang magkaroon lamang ng panimulang lakas para harapin ang hamon ng panibagong araw.

Sari-saring paraan na maging ang bagong administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, jr. ay nagi-isip at gumagawa ng mga solusyon para maibsan ang paghihirap ng karamihan.

Makiisa at makipagtulungan tayong lahat sa mga plano at nais gawin ng administrasyon ni PBBM, pihadong malalampasan natin ang sari-saring mga problemang ating nararanasan. Tigilan na nating ang pagiging bitter.
oOo
Assalamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh!