Sariling bersyon: ‘Masagana 150’ ikakasa ni PBBM

Sariling bersyon: ‘Masagana 150’ ikakasa ni PBBM

July 22, 2022 @ 8:31 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Nais tutukan ngayon ng Department of Agriculture (DA) ang programang “Masagana 150” na nagta-target na makagawa ng 150 kaban ng ani kada ektarya, sinabi ng isang opisyal nitong Huwebes.

Ayon sa DA ang Masagana 99 ay isang programa ni Pangulong Ferdinand Marcos Sr. na idinisenyo upang pataasin ang produksyon ng palay sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga magsasaka na may mataas na ani ng palay sa pamamagitan ng pautang. Ang patakaran ay hindi na ipinagpatuloy dahil iniwan nito ang mga magsasaka sa mas malalim na pagkakautang.

Ang Masagana 150 program naman ay gagamit ng “new tech” para mapataas ang ani, ani Agriculture Undersecretary Kristine Evangelista, na sumali sa ahensya noong 2019.

“It’s anchored in increase the yield based on the tech we can avail of, and the tech we have but the idea is to reach that much as far as cavans is concerned…We’re looking at kung paano at kailan ito maipapatupad. ,” sinabi ni Evangelista.

Para naman sa sustainability ng programa, sinabi ni Evangelista na makakatulong ang Agriculture Credit Policy Council sa mga kooperatiba sa pamamagitan ng pagbibigay ng pautang.

Kaugnay nito sinabi naman ni dating Finance Sec. Si Carlos Dominguez, na nagsilbi bilang punong Pang-agrikultura ni Pangulong Corazon Aquino mula 1987 hanggang 1989, ay nagsabing “mga 800 rural banks” ang nabangkarote ng programang Masagana 99.

Nang tanungin tungkol sa agarang tulong para sa mga magsasaka, sinabi ng opisyal na “ang mga pataba at G2G (government-to-government) ay ginalugad ngayon.”

Sinisikap din ng pamahalaan na gawing lupang pang-agrikultura ang mas maraming lugar, kabilang ang mga nasa metro, dahil ang pinakalayunin nito ay pataasin ang produksyon ng ani, sabi ni Evangelista.

Ang lokal na supply ng bigas ng Pilipinas ay nasa 12.37 milyong metriko tonelada, habang umaangkat naman ito ng 2.36 milyong metriko tonelada, dagdag ni Evangelista.

Samantala sinabi naman ni Rosendo So, presidente ng agriculture group SINAG, ang panukalang Masagana 150 ay isang “magandang programa” ngunit kinuwestiyon kung paano ito ipapatupad.

“Dapat yung detalye ang maririnig natin,” sinabi nito sinabi pa nito na ang pagpo-produce ng high-yielding seeds ay hindi makakamit ng isang taon.

Kaya sinabi nitong tatlong beses na niyang nakausap si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Si Marcos Jr ang kauna-unahang chief executive mula noong dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na nakipag-usap sa SINAG, dagdag niya.

Sinabi ni So na inaasahan niyang “ipahayag ni Marcos sa kanyang SONA (State of the Nation Address) na itigil ang ganap na agri smuggling.”

“Ito ang pinakamabigat na nakikita namin that will kill the local industry. Ang smuggled walang taripa, ang collection ng government mawawala and pinapatay ang local produced natin,” ayon pa kay So. Santi Celario