Sariling gusali target ng Comelec sa bawat lokal na opisina

Sariling gusali target ng Comelec sa bawat lokal na opisina

January 22, 2023 @ 12:20 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nais ng Commission on Elections (Comelec) na magkaroon ng sariling gusali ang bawat local office nito upang mapanatili ang integridad at kalayaan ng poll body mula sa mga local government units.

Sa kanyang pagbisita at pag-iinspeksyon sa local Comelec office sa Tawi-Tawi, ang kalagayan ng kanilang opisina ay kung saan lang nakalagay at minsan ay dependent pa sa LGU.

Sinabi rin ni Garcia na mayroon lamang isang election assistant na in-charge sa pagproseso ng voter registration ng kanilang constituents sa Bongao na siyang capital ng Tawi-Tawi.

Sa Bongao pa lamang aniya ay mayroon nang 63,000 registered voters.

Pero ayon kay Provincial Election Supervisor Alnie Burahim, mayroong mahigit 200,000 na populasyon ang Tawi-Tawi.

“Isa lamang po ang election assistant namin dito. Wala pa kaming job order dito. Dahil ba sa kakulangan ng supervision or yung pagkalinga namin? Hindi po. Dahil din sa kakulangan ng resources, kakulangan din po ng budget,” sabi ni Garcia. Jocelyn Tabangcura-Domenden