Sariling imbestigasyon sa drug war, inihirit ng DOJ sa ICC

Sariling imbestigasyon sa drug war, inihirit ng DOJ sa ICC

January 28, 2023 @ 4:36 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Justice (DOJ) nitong Sabado sa International Criminal Court (ICC) na magsasagawa ang Pilipinas ng sariling imbestigasyon sa mga pagkamatay sa anti-illegal drugs campaign na inilunsad ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa Saturday News Forum sa Dapo Restaurant and Bar sa Quezon City, sinabi ni DOJ spokesperson Mico Clavano na dapat respetuhin ni ICC prosecutor Karim Khan ang soberanya at judicial systems ng Pilipinas.

“We want to express to ICC and to the special prosecutor, Mr. Khan, just to give us time to conduct our own investigation,” ani Clavano, na tiniyak na nagsasagawa ang pamahalaan ng Pilipinas ng ā€œgenuine” investigation sa drug-related killings sa bansa.

Sinabi niya na hindi pabor ang DOJ sa desisyon ng ICC na ipagpatuloy ang imbestigasyon, gayong ang bansa ay mayroong “working” at ā€œorganizedā€ justice system kumpara umano sa ilang African nations na inimbestigahan ng international court.

“These are countries na wala talagang justice system, wala talagang gobyerno. It’s under chaos. If we accept the decision of the ICC, it is as if we are admitting na we are on the same level as those countries na wala talagang gobyerno,” pahayag ni Clavano.

“We are going to conduct a full-blown investigation on the past administration’s war on drugs. It’s not fast. Hindi siya mabilisan. We have to collect the right evidence. We have to obtain the witnesses in these cases. And we have to properly screen all the facts of the cases. So, it takes time. Hindi naman agad-agad makukuha ang conviction but that is the goal,” dagdag niya.

Noong November 2021, sinuspinde ng ICC ang imbestigasyon sa umano’y mga krimen laban sa mga karapatang pantao na iniuugnay sa drug campaign ni Duterte, para suriin ang ā€œscope and effect of the deferral requestā€ ng Philippine government.

Nitong Huwebes, inanunsyo ng Pre-Trial Chamber (PTC) ang desisyon nito na aprubahan ang hiling ni Khan’ na ipagpatuloy ang imbestigasyon sa “the Situation of the Republic of the Philippines.”

Inihayag ng PTC na ito ay “not satisfied” na nagsasagawa ang Pilipinas ng relevant investigations “that would warrant a deferral of the Court’s investigations on the basis of the complementarity principle.ā€ RNT/SA