Sasakyan nahulog sa bangin; 4 patay!

Sasakyan nahulog sa bangin; 4 patay!

April 17, 2022 @ 11:04 AM 2 months ago


KALINGA – Kumpirmadong patay ang apat na mag-anak matapos na mahulog sa bangin ang kanilang sasakyan kaninang madaling araw sa Brgy. Lucog, Tabuk City .

Kinilala ang mga biktima na sina Marcelo Sagyaman, Marivic Sagyaman, Marvin Sagyaman at Arcel Sagyaman na mga residente ng Sakpil, Conner, Apayao.

Binabagtas ng mga biktima sakay ng isang sasakyan ang matarik na lugar nang mahulog ang mga ito sa bangin hanggang sa nagpagulong-gulong sa ilog.

Agad namang nagsagawa ng retrieval operation ang mga awtoridad para maiahon ang mga biktima. Rey Velasco