Sasakyan niligaw ng waze, syut sa riles ng PNR

Sasakyan niligaw ng waze, syut sa riles ng PNR

March 5, 2023 @ 2:43 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Napadpad  ang isang sasakyan sa gitna ng riles ng train ng Philippine National Railways (PNR) sa Pandacan, Manila Linggo ng madaling araw matapos iligaw ng navigation app na Waze.

Sakay nito ang driver at isang pasahero na kapwa nasa maayos namang kondisyon.

Ayon sa ulat ng Pandacan police, base sa pahayag ng mga biktima mula Maynila ay itinuturo sila ng Waze patungong Pandacan papuntang Makati.

Naituro aniya sila ng Waze sa riles ng tren na kanila namang sinundan na hindi naman dapat doon ang kanilang daan.

Ayon pa kay Pandacan Police Station 10 director P/Capt Michael Locsin, muntik nang mahulog sa ilog ang sasakyan pero ligtas naman ang mga sakay nito habang naka-hang ang sasakyan sa riles ng tren.

Tumulong naman ang Metro Manila Development Authority (MMDA) upang maalis ang sasakyan sa riles ng tren habang ang mga sakay nito ay inimbitahan ng Manila Traffic Enforcement Unit (MTEU) para sa karagdagang imbestigasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden