SASAKYAN SA KALSADA BAWAS SA MGA OIL PRICE HIKE

SASAKYAN SA KALSADA BAWAS SA MGA OIL PRICE HIKE

June 21, 2022 @ 8:34 PM 2 weeks ago


Ngayon pa lamang, dapat nang paghandaan ng mga motorista ang panibagong round ng pump price hike sa darating na linggo, ang ika-18 taas-presyo ng mga kom­panya ng langis sa taong ito.

Batay sa oil trading monitoring mula Hunyo 13 hanggang 16, isang oil industry source ang nagsabi na ang mga sumusunod ay ang ina­asahang price adjustment para sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Maaaring tumaas ng P2.00 hanggang P2.30 kada litro ang diesel, P0.20-P050ang gasolina.

Isa sa sinasabing dahilan ng Department of Energy-Oil Industry Management Bureau ang China lockdown.

“Hindi ito nagdulot ng rollback kaya inaasahan pa rin namin ang pagtaas sa su­sunod na linggo ngunit ang mga halaga ay medyo mas maliit kumpara noong nakaraang linggo,” sabi ni Abad,

At idinagdag na ang pagbabawal ng European Union sa pag-import ng langis ng Russia dahil sa digmaan sa Ukraine ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng gasolina.

Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsyo ng pagsasaayos ng presyo ng petrolyo tuwing Lunes, na ipatutupad sa su­sunod na araw.

Epektibo noong Hunyo 14, ang mga kumpanya ng langis ay nagtaas ng presyo sa gasolina ng P2.15 kada litro at diesel ng P4.30 kada litro.

UNTOUCHBALE NA PASUGALAN SA CAVITE

Dumako naman tayo sa lalawigan ng Cavite at silipin natin ang peryahan na sentro ng iligal na pasugala nitong si Emily sa Niog, Bacoor, Cavite.

Magdamagan ang ope­rasyon ng nasabing pasu­galan nito.

Hindi hinuhuli dahil protektado ng ilang pulis at mga lokal na politiko ng nasabing lalawigan.

Gabi-gabi, patuloy ang pagroronda ng mga pulis sa mga nasabing pasugalan dahil sa panghihingi umano ng mga ito ng lagay at hindi para hulihin.

Paging:Cavite Governor Jonvic Remulla!