Sasakyang lumilipad umarangkada na sa Dubai

Sasakyang lumilipad umarangkada na sa Dubai

October 12, 2022 @ 9:46 AM 2 months ago


DUBAI – Lumipad na sa bansang ito ang isang flying car na gawa sa Tsina.

Ito ang tinaguriang kauna-unahang pampublikong paglipad sa United Arab Emirates ng isang flying car na gawa ng Chinese electronic vehicle maker na Xpeng Inc.

Ang X2 ay isang two-seater electric vertical take-off and landing (eVTOL) aircraft na pinalilipad ng walong propeller – dalawa sa bawat sulok ng sasakyan.

Kasabay din ng makasaysayang paglipad ang paglulungsad ng kompanya ng nasabing electric aircraft sa mga internasyonal na merkado.

“First we selected Dubai city because Dubai is the most innovative city in the world,” ayon pa sa kompanya.

Ang unmanned, na 90-minutong test flight sa Dubai ay inilarawan ng tagagawa nito bilang isang “mahalagang yugto para sa susunod na henerasyon ng mga lumilipad na sasakyan.” RNT