Saskatchewan, Canada patuloy sa paghahanap ng Pinoy nars

Saskatchewan, Canada patuloy sa paghahanap ng Pinoy nars

November 30, 2022 @ 7:22 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Aabot sa 74,000 Canadian dollars o humigit-kumulang P3 milyon  bawat taon na entry level na sahod ang naghihintay sa mga Pilipinong nars sa lalawigan ng Saskatchewan sa Canada sa pagpapalakas nito ng healthcare workforce.

Sa isang panayam, sinabi ng bumibisitang Saskatchewan Health Minister Paul Merriman na ang recruitment ay patuloy para sa mga Filipino healthcare worker, partikular ang mga nurse at continuing care assistants (CCA).

“Saskatchewan will fully assist and support Filipino healthcare professionals with skills, qualifications, education and training credentials as they enter our workforce,” ani Merriman.

“We will also provide needed assistance and support for families settling in our communities. We are committed to following ethical principles in the employment of Filipino healthcare workers, while creating the positive environment that makes us a top destination of choice for employment,” dagdag pa niya.

Ang lalawigan ng Canada, ayon kay Merriman, ay kukuha ng mahigit 1,000 healthcare workers mula sa ilang bansa, kabilang ang Pilipinas.

Kasalukuyang nasa bansa si Merriman hanggang Biyernes para makipagpulong sa mga Filipino stakeholders at magbigay ng information session para sa mga interesadong aplikante.

Lahok din siya sa ilang mga kaganapan upang palakasin ang pakikipagtulungan sa pangangalagang pangkalusugan at sa pagitan ng mga post-secondary na institusyon. RNT