Saskatchewan province sa Canada tatanggap ng Pinoy healthcare workers

Saskatchewan province sa Canada tatanggap ng Pinoy healthcare workers

October 18, 2022 @ 3:10 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Saskatchewan province sa Canada nitong Martes ang plano nitong tumanggap ng daan-daang healthcare workers mula sa Pilipinas sa susunod na dalawang taon.

Bahagi ito ng long-term scheme ng Saskatchewan na mag-recruit, magsanay, at sumuporta sa mas maraming healthcare workers upang palakasin ang provincial healthcare system nito, ayon sa Canadian Embassy.

Mag-aalok ng full-time jobs sa registered nurses, licensed practical nurses, continuing care assistants at medical laboratory assistants.

“We want to spread the word to health-care workers in the Philippines that our province is a place of great opportunity,” ayon sa Minister of Health ng Saskatchewan na si Paul Merriman.

“We would love to welcome into our friendly Saskatchewan communities health-care workers from the Philippines who are interested in coming to work and live here along with their families,” patuloy niya.

Ang Saskatchewan ang unang probinsya sa Canada na magpa-pilot ng accelerated training at assessment pathway para sa eligible nursing recruits mula sa Pilipinas.

Mananatili ang participant sa Pilipinas upang kumpletuhin ang online components ng intensive educational program habang isasagawa naman ang final clinical at practicum components sa Saskatchewan.

Libre para sa successful applicants ang language and education assessments, bridging/training, bayad sa professional exams at registration, at iba pang gastusin sa training gaya ng pagbiyahe para sa clinical placement.

Bukod dito, kabilang din sa sasagutin ng probinsya para sa international recruits ang transportation, accommodation at iba pang settlement related costs, gaya ng immigration fees.

Mayroong 33,000 Pilipino sa Saskatchewan at Tagalog ang nangungunang foreign language na ginagamit sa lugar.

Makatatanggap naman ang mga asawa ng mga makakapasok na aplikante ng tulong sa paghahanap ng trabaho sa Saskatchewan sa iba’t iang industriya gaya ng trades, construction at food services.

“Our province has had much success in welcoming Filipino nurses and other health-care workers into our workforce and our communities,” ani Minister of Mental Health and Addictions, Seniors and Rural and Remote Health Everett Hindley.

“We wish to invite the Filipino people to consider building a thriving career here in Saskatchewan, where you can enjoy a great quality of life, raise a family and be part of a strong and supportive community,” dagdag niya. RNT/SA