Sasmuan Councilor, kritikal sa pamamaril at pananaksak

Sasmuan Councilor, kritikal sa pamamaril at pananaksak

October 6, 2018 @ 12:06 PM 4 years ago


 

San Fernando City, Pampanga – Agaw buhay sa ospital ang isang Konsehal, nakatakdang tumakbo bilang bise-alkalde ng Sasmuan, Pampanga sa susunod na taon, matapos sasaksakin at barilin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek ngayong Sabado.

Ayon kay Senior Insp. Nicanor Zingalawa, police chief ng nasabing bayan, nagtamo si Councilor Jesus “Boyet” Angeles ng walong saksak at dalawang tama ng baril.

Nagjo-jogging si Angeles nang maganap ang insidente dakong alas-6:30 ng umaga sa Dalan Babo, kalsadang nagsisilbing jogging lane sa Barangay Sta. Lucia, ayon sa ulat.

Ang mga suspek, nakasuot ng balaclavas upang itago ang kanilang pagkakakilanlan, ay agad na tumakas pagkatapos isagawa ang krimen.

Agad naman na isinugod si Angeles sa ospital habang ang iba pang nagjo-jogging sa lugar ay kinapapanayam para makakuha ng karagdagang impormasyon na maaring makatulong sa imbestigasyon, ayon pa kay Zingalawa.

Samantala, kinundena naman ni Vice Governor Dennis Pineda, vice-chair ng local political party na Kambilan, ang pag-atake kay Angeles at inatasan ang mga pulis na palakasin ang seguridad sa lugar hanggang October 11 kung saan nakatakdang mag-file ng certificates of candidacies ang mga kakandidato para sa 2019 midterm elections./Remate News Team