Satellite system ni Musk at iba pa, wawasakin ng Russia

Satellite system ni Musk at iba pa, wawasakin ng Russia

October 28, 2022 @ 10:17 AM 4 weeks ago


MOSCOW – Nagbabala ang Russia sa United Nations na wawasakin nito ang mga satellite na komersyal at sibilyan na ginagamit ng United States at kanlurang bansa laban mismo sa Russia.

Ginawa ang babala ni Russian Foreign Ministry representative Konstantin Vorontsov habang dumadalo ito sa pagpupulong ng First Committee of the United Nations General Assembly na may sakop sa usaping disarmament at pandaigdigang seguridad.

Kabilang ngayon sa gamit ng US, North Atlantic Treay Organization at Ukraine laban sa mga pwersa ng Russia sa giyera nito sa Ukraine ang Starlink ni Ellon Musk at ang ICEYE.

Pareho umano ang mga ito na gamit ng kanlurang bansa at Ukraine sa pakikidigma sa Russia kaya maituturing umano ang mga ito na lehitimong target ng Russian military.

Maaari umanong pasabugin ang mga nasa kalawakan na gamit sa internet, kasama na ang mga spacecraft na ginagawang istasyon ng mga ito.

Hindi umano makatwirang gamiting pandigma ang mga satellite at spacecraft na inilaan para sa mapayapang mga layunin at pinakikinabangan lalo na ng mga mahihirap na bansa. RNT/FC