Saudi Arabian, natagpuang patay sa sariling unit

Saudi Arabian, natagpuang patay sa sariling unit

October 9, 2018 @ 10:23 AM 4 years ago


Manila, Philippines – Hinihinalang ilang araw nang patay bago nadiskubre ang bangkay ng isang Saudi Arabian citizen sa kanyang tinutuluyang unit sa Malate, Maynila.

Nakilala sa pamamagitan ng kanyang pasaporte si Ahmad Abdulaziz, 61-anyos, pansamantalang nanunuluyan Birch Tower na matatagpuan sa Malate, Maynila.

Sa ulat ni SP03 Mario Asilo, nadiskubre ng caretaker ng nasabing unit, si Mark Cruz, ang biktima na walang ng buhay.

Nabatid na nangupahan ang biktima sa nasabing unit noong Setyembre 6 at huling nakitang buhay noong Oktubre 4.

Nang madiskubre ni Cruz ang pangyayari ay agad nitong ipinagbigay alam sa staff ng gusali at ini-report sa pulisya.

Sa pagsusuri sa labi ng biktima, walang nakitang anumang palatandaan na ito ay sinaktan o pinatay.

Kumpleto rin ang kanyang mga gamit at pera kaya inialis ang teoryang pagnanakaw.

Gayunman, patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente at kung natural death lamang ang ikinamatay nito./Jocelyn Tabangcura-Domenden