Saudi nangako ng P30.5B sa unpaid salaries ng OFWs

Saudi nangako ng P30.5B sa unpaid salaries ng OFWs

November 20, 2022 @ 9:45 AM 7 days ago


MANILA, Philippines – Inihayag ng pamahalaan na nangakong magbibigay ang Kingdom of Saudi Arabia ng nasa 2 bilyon Saudi riyals o katumbas ng P30.5 bilyon upang mabayaran na ang hindi pa nababayarang sahod ng overseas Filipino workers (OFWs) sa naturang bansa.

Ito ay matapos na mangako si Saudi Prince Mohammed bin Salman kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanilang bilateral talks ng katatapos lamang na Asia-Pacific Economic Cooperations Summit sa Bangkok, Thailand.

Ayon kay Susan Ople, Kalihim ng Department of Migrant Workers, makatutulong ito sa mahigit 10,000 displaced OFWs,

Sinabi naman ni Migrant Workers Undersecretary Hans Cacdac na sa mga susunod na araw ay iaanunsyo nila kung magkano ang matatanggap ng mga benepisyaryo at kung paano ito maibibigay sa kanila.

Ayon kay Cacdac, mayroong nasa 12,000 OFWs mula Saudi Arabia ang napauwi noong 2016 makaraang tamaan ng financial crisis ang bansa at napilitan ang mga kompanya na maghain ng bankruptcy at tuluyang magsara. RNT/JGC