SAVINGS NG PAG-IBIG MEMBERS, LUMAKI NG 23% SA UNANG BAHAGI NG 2022

SAVINGS NG PAG-IBIG MEMBERS, LUMAKI NG 23% SA UNANG BAHAGI NG 2022

August 9, 2022 @ 4:25 PM 2 months ago


MASAYANG ibinalita ng HDMF o Home Development Mutual Fund na mas higit na kilala bilang Pag-IBIG Fund na nagtala ng panibagong “record high” ang pumasok na savings buhat sa higit kumulang 13 million miyembro nito sa unang anim na buwan ng kasalukuyang taon.

 Mula January 2022 hanggang June 2022, pumalo sa P38.82 billion pesos ang nakolektang savings o may pagtaas ng Php 7.23 biyon pesos o 23% mula sa kaparehas na panahon noong 2021 na may Php 31.59 billion pesos lamang.   

 Kaya naman, ayon kay DHSUD secretary at Pag-IBIG Fud board chairperson Jose Rizalino Acuzar na mas magiging aktibo ang Pag-IBIG Fund sa paglalaan ng pondo para sa pagkakaloob ng abot-kayang pabahay at cash loans sa mga miyembro nito alinsunod na rin sa naging direktiba ni President Ferdinand “BBM” Marcos, Jr. sa kanyang kauna-unahang SONA o State of the Nation Address na mabawasan ang backlog sa housing program ng pamahalaan.

 Secretary Jose Rizalino L. Acuzar, ang namumuno sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at sa 11-member ng Pag-IBIG Fund Board of Trustees.

Ang panibagong record high savings increase ay dahil sa popularidad ng MP2 o ang Modified Pag-IBIG 2 na may pumasok na Php 19.40 billion pesos savings sa unang anim na buwan ng 2022. Ito ay may pagtaas na 47% kumpara sa Php 13.23 billion pesos noong 2021.   

Ang patuloy na paglaki ng members’ savings ng mga miyembro ay talagang kapansin-pansin. Pinasalamatan naman ni Pag-IBIG Fund chief executive officer Acmad Rizaldy Moti ang business sector sa on-time remittance ng savings ng kanilang mga empleyado, at sa mga miyembro na patuloy na nagtitiwala sa pag-iipon sa Pag-IBIG, partikular sa MP2 Savings. Kung magpapatuloy ang magandang pasok ng mga savings, inaasahan na ng pamunuan ng Pag-IBIG Fund ang isa na namang “record high savings” sa kabuuan ng taong 2022, patuloy ang pagtitiwala ng mga miyembro kahit pa nagpapatuloy parin ang coronavirus disease 2019 pandemic.

Higit sa lahat, mananatiling matatag ang posisyon sa pananalapi, habang pinapanatiling mababa ang mga rate ng interes. “This is one of our ways of bringing Tapat na Serbisyo, Mula sa Puso to our members,” ayon kay Moti.