SAVINGS PROGRAM NG PAG-IBIG FUND, LUMAKI NG 27%

SAVINGS PROGRAM NG PAG-IBIG FUND, LUMAKI NG 27%

November 18, 2022 @ 11:06 AM 3 weeks ago


UMABOT sa P66.66B ang kabuuang naimpok na pera ng mga miyembro ng Home Development Mutual Fund o mas higit na kilala bilang Pag-IBIG Fund mula January 2022 hanggang October 2022, na mas mataas ng 27% kumpara sa kaparehas na panahon noong taong 2021 o P63.67B lamang.  

 Nangungunang savings program ng Pag-IBIG Fund ang MP2 o ang Modified Pag-IBIG 2 na umabot sa record-breaking na P33.72 B o 51% ang pagtaas kumpara sa taong 2021.

 Ang “Tapat na Serbisyo, Mula sa Puso” na core values ng ahensiya ay pinangungunahan nina Department of Human Settlements and Urban Development secretary Jose Rizalino Acuzar na siya ring chairperson ng 11-man Pag-IBIG Fund board of trustees, at ni Ms. Marilene Acosta bilang chief executive officer.

-ooOoo- 

LIBRENG SAKAY SA EDSA BUS CARPUSEL, IPATUTUPAD SA DISYEMBRE

SIMULA sa darating na December 1, 2022 ay magkakaroon na ng 24/7 na libreng sakay sa EDSA Carousel Bus sa kahabaan ng EDSA kaysa sa naunang inihayag na pagpapatupad nito sa December 15, 2022.

Hakbang ito ng DOTr o Department of Transportation para matulungan ang mga commuters na umaaray sa mataas na pamasahe dulot ng all-time high inflation na nararanasan sa bansa, at para lumuwag ang trapiko sa EDSA ngayong Kapaskuhan.

Sa kasalukuyan, tumatakbo ang mga bus sa EDSA mula alas-4:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng gabi mula sa Caloocan city hanggang sa PITX o ang Paranaque Integrated Terminal Exchange at mayroong 18 bus stops. May bayad na P13.00 pesos sa unang limang kilomtero at karagdagang P2.20 pesos sa bawat kilometro.

Ayon kay secretary Jaime Bautista, naglaan ang Marcos administration ng halagang P1.4 billion pesos para sa pagpapatuloy ng programa mula September 2022 hanggang December 2022.

Bawat araw nasa sampu hanggang labingdalawang milyong piso ang ibinabayad ng pamahalaan sa mga bus concessionaires na nakakapagsakay ng hanggang 300,000 katao.

Tinapyasan ng DBM o Department of Budget and Management ang P12 billion pesos na hiling ng DOTr para sa pagpapatuloy ng EDSA Carousel Bus sa taong 2023. Nakikitang solusyon dito ni secretary Bautista ay ang pagsasapribado ng operasyon.