SB19 ikatlo sa Billboard Social 50

SB19 ikatlo sa Billboard Social 50

November 12, 2020 @ 9:09 AM 3 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Naungusan ng P-Pop band na SB19 ang American singer na si Ariana Grande sa Billboard Social 50 ngayong linggo.

Pumangatlo ang Pinoy Pride sa nasabing music chart category habang pang-apat si Ariana.

Yaasss gusto  mo yun? ATin yan e.

Ang SB19 ang natatanging music act na mula sa Southeast Asia na pumasok sa kategoryang ito.

Pasok din sa Top 10 ang ilang sikat na K-Pop band.

Maliban sa Social 50, kasama ang grupo sa Top 10 sa Emerging Artists sa parehas na music chart sa ika-sampung pwesto.

Samantala, nominado ang P-Pop kings sa tatlong kategorya ng Wish Music Awards.

Ito ay ang mga Wish Group of the Year, Wishclusive Pop Performance of the Year, at Wish Pop Song of the Year.

Kaabang-abang din ang gaganaping global online concert ng SB19 sa Nobyembre 21. RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...