SB19, kinabog ang BTS!

SB19, kinabog ang BTS!

December 8, 2021 @ 1:46 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Naungusan na ng P-pop supergroup SB19 ang BTS sa Billboard‘s Hot Trending Songs chart ngayong linggo.

Ang SB19 ang kauna-unahang grupo na napaalis sa number 1 spot sa chart ang BTS ng South Korea.

Nailigwak ng SB19 ang BTS sa ikaanim na linggo ng pamamayani nito sa no. 1 spot ng Billboard Hot Trending Songs.

Ang “Bazinga” ng SB-19 ang nakapagpatalsik sa BTS.

Ang “Bazinga” ay ang pangatlong single ng SB-19 mula sa EP album nila na “Pagsibol.” Tumalon ang “Bazinga” mula sa pangwalong slot last week. Danny Vibas