SB19 may comeback sa Marso

SB19 may comeback sa Marso

February 10, 2021 @ 1:17 PM 3 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Kung usaping comeback, hindi pahuhuli ang SB19.

Ito ay makaraang maglabas ang Pinoy pop group ng poster kung saan inalerto ang fans na hintayin ang pagsapit ng March 9, 2021.

Hindi naman inilabas ang iba pang detalye dito ngunit nagpahiwatig na sa hashtags na “#SB19IkalawangYugto” at “#SB19WhatIsComing.”

Ikinasabik naman ito ng kanilang fans kung saan agad nag-trending ang “SB19 Bagong Kabanata.” RNT/FGDC


  •  
  •  
  •