SB19 may regalo sa fans

SB19 may regalo sa fans

October 16, 2020 @ 7:33 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Bilang pasasalamat ng P-Pop band na SB19 sa isang milyong views ng “Hanggang sa Huli” MV sa Youtube, naghanda ng munting regalo ang mga ito sa kanilang fans.

“In celebration of 1M views for ‘Hanggang Sa Huli’ MV, here’s a little gift for A’TIN! You can use these backgrounds for your zoom classes, meetings, or even on your desktop! Hope you’ll like them,” ayon sa Twitter post ng grupo.

Ito ay mga larawan mula sa music video ng nasabing kanta na inilabas nitong nakaraang linggo.

Anila maaaring gamitin ito ng kanilang fans bilang background sa desktop o sa online classes na isa sa mga paraan ng distance learning ngayong pandemya.(Naka-modules can’t relate 😂)

Maaaring bumisita sa https://t.co/SAmCjrqwii para sa background photos.

Samantala, patuloy ang mention party sa Youtube ng bawat miyembro na nagsimula kahapon hanggang Oktubre 19 mula ala-7:00 ng gabi.

Nananatili pa rin ang SB19 sa Social 50 ng Billboard sa ika-anim na pwesto ngayong linggo.

World-class talents. Pinoy Pride.

#SB19LangMalakas #ATinLangMalakas 

RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...