SB19, nag-guest sa Good Day New York!

SB19, nag-guest sa Good Day New York!

November 6, 2022 @ 4:56 PM 3 weeks ago


New York, USA – Wow naman! For the first time ay ay nagkaroon ng live performance sa US television ang P-pop sensation na SB19 last Nov. 4. Ito ay naganap sa  New York, USA sa Good Day New York, ang morning program ng FOX5. This is in connection with SB19’s international tour.

Kinanta ng grupo ang “WYAT (Where You At),” na title din ng kanilang ongoing tour.

Ang SB19 ay kinabibilangan nina Pablo, Josh, Justin, Ken, at Stell at suportado ng A’tin fandom ang kanilang historic US TV debut.

As of writing, ang #SB19onGoodDayNewYork ay nasa top of Twitter trends in Philippines for at least 13 hours.

FYI ay nag-perform ang SB19 sa Palladium Times Square last Nov. 5 at may two more shows pa sila sa California on Nov. 12 (Los Angeles) and 18 (Redwood City).

“We will be performing two of our albums, all of the songs in there.

“They should get ready and of course this is our first time, we will make sure that it will be a blast,” sabi ni Pablo. Joey Sarmiento