SB19 naglabas ng animated MV ng ‘Hanggang Sa Huli’

SB19 naglabas ng animated MV ng ‘Hanggang Sa Huli’

October 12, 2020 @ 1:42 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Naglabas ang Pinoy boy band na SB19 ng animated version ng music video ng kantang ‘Hanggang Sa Huli.’

Sa limang minutong video makikita ang kwento ng kabataan sa pagharap sa pagmamahal, pamilya at trahedya.

Hindi lamang mahuhusay kumanta at sumayaw ang grupo.

Pinamalas din nito ang galing nila sa pagsusulat at paggawa ng video.

Ang naturang music video ay isinulat at isinadireksyon ni Justin na siyang vocalist ng banda.

Nito lamang Mayo ay naglabas ito ng kantang “Ikako” na isinulat naman ni Sejun, ang lider ng grupo na siya ring main rapper at lead vocalist.

Matatandaang nasungkit ng SB19 ang Top 2 sa Billboard Social 50 at Number 6 sa Emerging Artists nitong Agosto.

Kahapon lang, Oktubre 11 nagtanghal ang grupo sa YouTube FanFest 2020.

Tunay na talentado ang mga Filipino. #SB19 #AtinTo #Atin

RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...