SB19 nilaglag ni Lea Salonga



SB19 nilaglag ni Lea Salonga

May 19, 2021 @ 7:00 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Iba’t iba ang naging reaksyon ng netizens sa naging tweet ng Broadway diva na si Lea Salonga kaugnay ng bet niyang manalo sa Billboard Music Awards 2021.

Walang keber ang singer-actress sa pagpu-push niyang magwagi ang paborito niyang K pop group na BTS na kanyang ibinoto.

“I’m voting for @BTS_twt for BBMAs top social,” tweet niya.

Hirit ng netizens, nangingibabaw daw ang pagiging faney ni Lea sa tinitiliang internationally famous boy band group.

Nabatikos naman siya sa kanya umanong isipang kolonyal.

Nagtatanong din ang ilang kibitzers kung nasaan ang kanyang pagiging makabayan.

Hinahanap din ang simpatiya at suporta niya sa kanyang mga kababayan lalo na sa SB19 na nominado rin sa pamosong music award giving body.

Ang SB19 ang natatanging Pinoy boy group na nominado sa BMMAs 2021.

Katunggali nila sa kategoryang top social artist ang BTS, Seventeen, Black Pink at

Ariana Grande sa naturang awards event na gaganapin sa Microsoft Theater sa Los Angeles sa Estados Unidos sa Mayo 23. Archie Liao


  •  
  •  
  •