SBP, nagbago ng isip, sasali na sa Asian Games?

SBP, nagbago ng isip, sasali na sa Asian Games?

August 5, 2018 @ 3:28 PM 4 years ago


 

 

Manila, Philippines – Naiba ang ihip ng hangin at babawiin na umano ng  Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang nauna nitong desiyong ‘wag sumali sa Asian Games, kamakailan.

Ayon sa ulat ngayong Linggo (August 5) nagkasundo ang SBP at PBA tungkol sa magiging partisipasyon ng bansa sa Asian Games.

Inimbitahan na ni Commissioner Willie Marcial ang mga reporters para sa isang press conference sa Araneta Coliseum alas-6 ng hapon kung saan inaasahang kukumpirmahin ang naturang anunsiyo.

Matatandaan na handa na sana ang Pilipinas para ipadala ang kuponan ng Rain or Shine sa pangunguna ni Coach Yeng Guiao para sa Asian Games nang biglaang nag-anunsiyo ng hindi pagsali ng bansa sa naturang palaro. Remate News Team