SC: 132,916 PDL napalaya sa video conferencing hearing

SC: 132,916 PDL napalaya sa video conferencing hearing

October 25, 2022 @ 10:38 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nasa 132,916 persons deprived of liberty (PDLs) ang napalaya sa pamamagitan ng hearing sa video conferencing.

Sa nasabing bilang, 2,210 dito ang children in conflict with the law.

Sa isang presentasyon sa Davao City noong Lunes, Oktubre 24, sinabi ni SC Associate Justice Midas P. Marquez na mayroong 1,139,720 video conferencing hearing na isinagawa ng mga korte sa buong bansa na may success rate na 89.27 porsyento.

Ang mga pagdinig sa video conferencing ay pilot na sinubukan ng SC noong 2019 at ginamit sa pagsisimula ng pandemya ng Covid-19 noong Marso 2020 upang hindi makagambala sa mga operasyon ng korte sa buong bansa.

Ang paggamit ng mataas na teknolohiya sa paglilitis sa korte ay isa sa mga pangunahing bahagi ng 5-year Strategic Plan for Judicial Innovations (SPJI) ng Korte Suprema, na pormal na inilunsad noong Oktubre 14.

Sinabi ni Chief Justice Alexander G. Gesmundo na ang SPJI ay naka-angkla sa apat na gabay na prinsipyo — timely and fair justice, transparent and accountable justice, equal and inclusive justice, and technologically adaptive management – upang makamit ang tatlong resulta katulad ng: efficiency innovation, at access. RNT