SC ‘di magbabawas ng kawani sa digitization

SC ‘di magbabawas ng kawani sa digitization

October 14, 2022 @ 6:51 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pinawi ng Supreme Court ang pangamba ng ilang kawani ng hudikatura na mawawalan ng trabaho dahil sa pagsisimula ng digitization sa mga serbisyo nito.

Ito ay matapos ang paglulunsad ngayong araw, Oktubre 14 ng “Strategic Plan for Judicial Innovations o SPJI 2022-2027.”

Sinabi ni Chief Justice Alexander Gesmundo na hindi dapat sila mabahala na maaalis sa trabaho.

Ayon kay Gesmundo, sa SPJI ay pananatilihin ang mga kawani, at gagamitin ang kanilang kapasidad para sa mga isusulong na technology-driven na mga programa.

Sa talumpati ni Gesmundo, pakay ng SPJI na isulong ang mga reporma at makamit ang “efficiency” sa trabaho ng Hudikatura; “innovation” o modernisasyon sa mga proseso at operasyon; at mapalakas ang “access” sa mga impormasyon at mga serbisyong-legal.

Maituturing aniya itong sagisag ng pangarap ng Hudikatura.

Ayon naman kay Associate Justice Ma. Filomena Singh, nakapaloob sa SPJI ang iba’t ibang reporma para maging makatotohanan ang “mabilis at patas na hustisya.” Teresa Tavares