Manila, Philippines – Agad na binawi ng House Secretary General ang una nitong anunsyo na hindi dadalo sa ikatlong State of the Nation Address(SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte si Supreme Court Acting Chief Justice Antonio Carpio.
Ayon kay House of Representatives Secretary-General Cesar Pareja kinumpirma ni Carpio na dadalo na ito sa SONA sa Lunes, July 23.
“He has already confirmed his attendance at the SONA on Monday. We were in receipt of his reply to the invitation earlier sent by the House,” paglilinaw ni Pareja.
Inamin ni Carpio na una nyang tinanggihan ang imbitasyon na dumalo sa SONA , ito ay noong bago pa matanggal bilang Chief Justice si Maria Lourdes Sereno subalit ngayon na sya ang kumakatawan sa Kataas taasang hukuman ay kailangan nyang dumalo.
“I normally do not attend the SONA. But as acting CJ, I have to,”nakasaad sa text message ni Carpio sa ilang mamamahayag.
Mayo 11 nang maging Acting Chief Justice ng SC si Carpio matapos pinal nang tanggalin sa pwesto si Sereno.
Si Carpio ay kritiko ni Pangulong Duterte pagdating sa isyu ng West Philippine Sea. (Gail Medoza)