SC justices namigay ng gulay sa mga community pantry



SC justices namigay ng gulay sa mga community pantry

June 10, 2021 @ 9:26 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Mamumudmod ng tone-toneladang gulay ang mga mahistrado ng Korte Suprema sa iba’t ibang community pantry sa bansa.

Gamit ang pera mula sa sariling bulsa, pinagsama ng 14 na mahistrado ang nalikom at ibinili ng 14 na tonelada ng gulay mula sa mga magsasaka.

Kabilang sa bibigyan ay ang indigent ward ng Philippine General Hospital, Manila Police District, at iba pang community pantry sa National Capital Region.

Ang pamimigay ng mga gulay ay bahagi rin ng 102ng na anibersaryo ng Korte Suprema. Teresa Tavares


  •  
  •  
  •