Manila, Philippines – Binalaan ng Supreme Court (SC) si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa patuloy na pagiging matabil o pagkuwestyon sa merito ng quo warranto case sa harap ng publiko habang nakabimbin pa ito sa tribunal.
Sa halip, pinayuhan ng SC si Sereno na itigil na ang kanyang mga pag-atake sa mga dating kasama sa Kataas-taasang Hukuman.
Kahapon sa en banc, binaalaan ng Korte Suprema si Sereno na huwag nang uulitin ang mga naging gawi kung ayaw niyang lalong mapataw ng mabigat na parusa.
Nakapaloob kasi sa May 11 ruling o sa quo warranto petition na nagpatalsik kay Sereno na iisyuhan siya ng show cause order kung patuloy na magsasalita sa harap ng publiko laban sa naging desisyon sa kanya ng mga mahistrado.
Ayon sa SC, nilalabag kasi ng dating Punong Mahistrado ang “subjudice rule” sa tila pagganti at pagpapakalat ng masama laban sa mga kasapi ng high court. NATS TABOY