SC kinalampag ni De Lima sa ‘Writ of Kalayaan’ ng PDLs ni Leonen

SC kinalampag ni De Lima sa ‘Writ of Kalayaan’ ng PDLs ni Leonen

October 17, 2020 @ 3:35 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Sinuportahan ni Senador Leila De Lima ang panawagan ni Justice Marvic Leonen sa Supreme Court na ikonsidera  ang pagbibigay ng remedy base sa social justice sa pamamagitan ng “Writ of Kalayaan” upang lutasin ang pagsisikip sa kulungan at protektahan ang karapatang ng person deprived of liberty (PDLs).

 

Sa pahayag, sinabi ni De Lima, dating justice secretary, na sa gitna ng pandemya, napakatagal at nakapasaklap ng apat na buwang paghihintay ng PDLs sa kalutusan ng kanilang kaso, lalo na kung umasa lang sa wala.

 

“After the SC justices voted unanimously to pass the ball to the lower courts in deciding on the plea for release of several political prisoners amid the pandemic, it should not stop us in pushing for measures to uphold the rights of our PDLs under humanitarian and compelling circumstances,” ayon kay De Lima.

 

Dahil dito, hinikayat ni De Lima ang Supreme Court na sundin ang panawagan ni Leonen sa Writ of Kalayaan na magpapaluwag sa kulungan at protektahan ang dignidad ng bawat preso sa gitna ng pandemya ng COVID-19.

 

“I urge the Supreme Court to heed Justice Marvic Leonen’s call to consider providing for a remedy, grounded on social justice, called the “Writ of Kalayaan,” to immediately address jail congestion and protect the rights of PDLs by treating them with humanity, especially during a public health emergency,” ayon kay De Lima.

 

Sinabi pa ng senador na hinahamon tayong lahat ngayon hinggil sa higit na magmalasakit at magpakatao.

 

“Sa bawat sandali na pinatatagal natin ang pagpapatupad ng mga polisiyang maaaring magsalba sa bawat isa mula sa sakit at peligro, binalewala na rin natin ang halaga ng buhay at dignidad ng kapwa—gaya ng pagkakait ng pagkakataon para sa isang ina na makapiling pa ang nag-aagaw-buhay na anak o ng nakatatanda nang bilanggo na makasama ang pamilya sa huling sandali ng kanyang buhay bilang malaya,” paliwanag ng senador.

 

“Oo, may gobyerno tayong marahas, mapaniil at walang pakundangan sa ating mga karapatan. Pero papayag na rin ba tayo na mauwi sa ganitong klaseng lipunan ang ating ginagalawan?” tanong ng mambabatas. Ernie Reyes

 


  •  
  •  
  •  

Loading...