SC may bagong court admin

SC may bagong court admin

March 2, 2022 @ 11:14 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Pormal na itinalaga si Deputy Court Administrator Raul Villanueva bilang bagong Court Administrator ng Korte Suprema.

Itinalaga si Villanueva sa puwesto ni Chief Justice Alexander Gesmundo sa En Banc Session ng Korte Suprema kahapon (March 1).

Pinalitan ni Villanueva sa posisyon si dating Court Administrator Jose Midas Marquez na nahirang naman na associate justice ng Supreme Court noong Nobyembre ng nakaraang taon

Alinsunod sa batas na lumikha sa OCA, ang punong mahistrado ang humihirang sa court administrator.

Ang court administrator ang nangangasiwa sa mavababg korte maging sa halls of justice. Teresa Tavares